Thursday, 21 February 2019

KAHALAGAHAN NG INDUSTRIYA SA ATING EKONOMIYA by Rheadeen Espana


                                 ANG INDUSTRIYA SA ATING BANSA


        Ang sektor ng industiya  ay may malaking halaga sa pag-unlad ng ating ekonomiya dahil lumilikha ito ng mga bagong produkto at serbisyo na kakailanganin upang matugunan ang pangangailanga ng mga mamamayan. Kapag mayroong nangyayaring industiyalisasyon sa ating bansa makapagbibigay ito ng trabahosa mga taong nangangailangan ng hanapbuhay. Hindi lang ito nakakatulong sa mga taong walang trabaho dahil nakapagambag din ito ng tulong sa ating gobyerno dahil sa buwis na kanilang binabayaran. At sa buwis na ito kumukuha ang gobyerno para sa mga gastusin ng pamahalaan, sa mga ginagawang proyekto at programa na nakakabuti sa ating bansa at makabebenipesyo ito sa maga mamamayan.Nakakatulong din ito sa iba pang sektor ng ekonomiya,ang sektor ng industriya, gaya na lang sa sektor ng agrikultura. Ang mga produktong pang-agrikultura ay pinoproseso upang makalikha ng iba pang produkto dito sa sektor ng industriya. Hindi lang pagpoproseso ng mga bagong likhang produkto ang mayroon sa industriya, pwede itong magbigay ng pangunahing utilidad at serbisyo sa mga mamamayan gaya na lang tubig,elektisidad o mga pabrika na gumagawa ng medisenang pangkalusugan. Pati na ang mismong hospital ay isang industriya. Ang malalaking gusali at mga imprastraktura na pinatayo ay isa rin itong makakatulong sa mga tao na magkaroon ng trabaho para magkaroon sila ng pera. Nagsasagawa rin sila ng pagkuha ng mga yamang mineral sa mga sa mga kabundukan at kagubatan na nakapaligid sa ating bansa. Dahil dito mas malaki ang tsansyang magkaroon ng malaking kita ang ating ekonomiya na pwedeng maging simula ng pagbabago at pag-unlad ng ating bansa.

No comments:

Post a Comment